Pasig City Government, naglabas ng patnubay para sa aplikasyon ng Travel Authority

Courtesy: Pasig City Public Information Office | Facebook

Naglabas ng patnubay ang pamahalaang Lungsod ng Pasig ukol sa requirements para sa aplikasyon ng travel authority.

Ayon sa Pasig City Government, ang mga paalalang ito ay upang mapabilis ang pag-verify at pag-issue ng travel authority sa Locally Stranded Individuals (LSIs) na nasa siyudad.

 

Kabilang sa ilang mga paalala ay:


· Ibigay ang kumpletong address ng pupuntahan. (Halimbawa: 1234 Agono St., Brgy. Pilar, San Felipe, Nueva Vizcaya)

· Siguraduhing tama ang ibibigay na cellphone number.

· Iwasang magpalit ng sasakyan na gagamitin o ilalagay sa request ng travel authority.

· Lahat ng bibyahe ay kailangan magbigay ng valid ID. Para sa driver, kailangan ang driver’s License.

Pinaalalahanan din ng pamahalaang lungsod na patuloy pa rin ang pag-proseso ng mga travel authority online.

At upang mapablis ang pagproseso ng travel authority, siguraduhin na kumpleto ang ipapasang mga dokumento

Ang requirements na itinakda ng pamahalaang lungsod ay nagsimula noong Agosto 20, 2020 matapos muling mailagay sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Facebook Comments