Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na magpapatupad ito ng bagong work arrangement sa mga manggagawa ng City Hall ng lungsod habang umiiral pa rin ang banta ng COVID-19.
Ayon sa alkalde, meron na silang dalawang category para sa kanilang skeletal work force na papasok sa City Hall ng lungsod.
Ang unang category ay dati nang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod kung saan ipinatutupad nila ang 30% work force arrangement.
Ang ikalawang category ay ang bagong work force arrangement, kung saan ipatutupad ang 15 days off and on.
Ibig sabihin ang isang grupo ng manggagawa sa Pasig City Hall ay papasok ng 15 days at 15 days naman na magpapahinga.
Sa pamamagitan nito aniya mami-minimize ang close contact ng kanilang manggagawa at automatic na ring na mag-self quarantine kung sakaling matamaan ng COVID-19.
Dahil dito, kanyang pinapayuhan ang mga manggagawa ng Pasig City Hall sa kanilang Human Resource Department kaugnay sa nasabing bagong work force arrangement.