Pasig City, may bagong 133 na mga barangay peacekeepers

Ganap nang barangay peacekeepers sa lungsod ng Pasig ang 133 na indibidwal matapos makumpleto ang Patrolling and Response Operations Training to Empower CVOs and Tanods (PROTECT) Program ng Philippine National Police.

Ayon kay Police Col. Roman Arugay, Chief of Police ng Pasig, mula sa anim na barangay sa Pasig ang 133 mga bagong peacekeepers.

Isinagawa ang training ng dalawang araw sa Barangay San Jose Covered Court, Pasig City.


Layunin ng training ay para magkaroon ng barangay defense laban sa mga non-law-abiding residents at organized criminals.

Sinabi ni Arugay, mahalaga na may magandang relasyon ang mga pulis at mga barangay peacekeepers para mapanatili ang peace and order sa lungsod.

Facebook Comments