Isa pang pulis, nasawi matapos ma-infect ng COVID-19

36

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 122 na PNP personnel na nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos na masawi ang isa pang pulis na may edad 48 anyos at nakatalaga sa Zamboanga na may ranggong senior sergeant.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, October 8, 2021 nang masawi ang nasabing pulis sa Zamboanga Peninsula Medical Center.


Sa kabila nito, sinabi ni PNP chief na batay sa kanilang datos bumaba ang bilang ng active cases sa PNP simula September 17.

Sa ngayon, aabot nalang sa 1,023 ang kanilang active cases at 40,004 ang recoveries mula sa 41,149 na confirmed cases sa PNP.

Facebook Comments