Pasig City Mayor Vico Sotto, look-alike ng isa sa member ng K-pop group na EXO

89

Aliw na aliw ang mga netizen sa mga picture ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos siyang iugnay sa K-pop group na EXO.

Isang Pinoy EXO fan kasi ang nag-tag kay Mayor Vico dahil kamukha nito ang isa sa nine-member ng Seoul-based boy group.


Magkahawig kasi sina Mayor Vico at ang aktor at isa sa mga main vocalists ng EXO na si Do Kyung Soo o mas kilala bilang D.O kahit sa mga lumang larawan at baby pictures.

Pero reply ni Mayor Vico sa netizen, hindi siya member ng EXO.

Bunsod nito, ilang netizen pa ang nagkomento at nagsabing hindi sila maloloko ng anak ni Bossing Vic dahil ang EXO member ang long lost brother nito.

May nagsabi pang “Mayor daw sa umaga, K-pop artist sa gabi” itong si Mayor Vico.




Facebook Comments