Pasig City Mayor Vico Sotto, pinaplantsa na ang pamamahagi ng gadget sa mga estudyante sa lungsod

Pinaplantsa na ng Pasig City Government ang planong pamamahagi ng personal devices sa mga estudyante mula  elementarya at high school sa mga pampublikong paaralan sa Pasig.

Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng isinusulong na virtual o online classes bilang alternatibong sistema ng pag-aaral na gagamitin pagsapit ng new normal.

Sa kanyang tweet, ipinaliwanag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na kailangang paghandaan na ang efficient at maayos na internet connection sa mga paaralan sa lungsod.


Aniya, gumagawa na ng paraan ang lokal na pamahalaan kung saan kukunin ang budget para sa personal devices na ipamamahagi sa mga estudyante.

Napag-alaman ng Pasig City Government na aabot sa 140,000 ang bilang ng mga estudyante sa elementarya at sekondarya sa lungsod.

Facebook Comments