Hinikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang mga kababayan na huwag masyadong ituon ang kanilang mga sarili sa mga isyung ipinupukol sa kanya, partikular na tinukoy nito ang ginawang pagpapaliwanag sa kanya ng NBI tungkol sa pagpapahintulot nitong mag-operate ang mga tricycle sa kabila ng ipinatutupad na Enahanced Community Quarantine.
Sa kanyang FB Post, sinabi ni Mayor Sotto na nagbigay na umano siya ng pahayag sa mga nagtatanong tungkol sa abalang dinala sa kanya ng NBI.
Ayon kay Sotto, maging ang karamihang mga Senador ay kumampi sa kanya at sinasabing mali umano ang ginagawa ng NBI.
Paliwanag ng alkalde, ang mahalaga umano ay tuloy tuloy ang kanyang pagbibigay serbisyo sa kanyang mga kababayan.
Aminado si Mayor Sotto na hindi perpekto ang Lokal na pamahalaan, pero nagsusumikap umano siya upang matulungan nito ang lahat ng nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng krisis.
Nagpapasalamat din ang alaklde sa patuloy na kooperasyon ng nakararaming Pilipino, kung saan ay tuloy-tuloy naman aniya ang distribusyon ng grocery foodpacks sa mga nangangailangan.