Pasig Command Center, magiikot sa mga barangay para magsupply ng tubig

89

Nagsisimula ng magikot ang mga tauhan ng Command Center ng Pasig para magrasyon ng tubig sa mga barangay na apektado ng water interruption.

 

Ito ay para matulungan ang mga residente na sobrang apektado na tulad nalang sa pagkain, pagligo, paglalaba at pag dumi.

 

Alas diyes ngayong umaga, alas tres ng hapon at alas-diyes ng gabi ang schedule sa pagiikot para sa pagbibigay ng ayuda sa tubig gamit ang mga firetruck.

 

Unang rarasyonan ang Barangay Bagong Ilog, Peneda, Capitilio, San Antonio at Pugon Oranbon.

Susunod naman ang Barangay Sagad San Jose, Kapasigan Katipunan, at Caniogan.

 

Pangatlong batch ang Barangay Bambang, Kalawaan, San Joaquin, Buting Sumilaw, Santa Rosa, Pinagbuhatan, Palatiw Sto Tomas, Rosario, Manggahan at Santolan.

 

Paalala naman ng Pasig Command Center na tandaan at abangan na sila gamit ang mga timba at drum dahil magiging mabilisan ang operasyon.

Facebook Comments