Walang dapat ipangamba ang mga residente na nakatira malapit sa itinayong medical facility para sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasig.
Ito ang pagtitiyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga may-ari ng bahay na nakatayo malapit o kahit isang hakbang lang ang layo ng bahay sa gusaling may pasyente ng nasabing virus.
Kaya naman paalala niya maaari lang mahawaan ng COVID-19 kung may “close contact” sa pasyente at hindi ratafia sa pader ang virus.
Iginiit niya na lahat ng kanilang aksyon kaugnay sa COVID-19 ay dumadaan sa malalim na pagsusuri ng mga eksperto.
Paliwanag ng alkalde na mahalaga na may quarantine facility ang kanyang lungsod upang mapabagal ang pagkalat ng virus at maiwasan din ang malalang epekto ng virus sa lungsod ng Pasig.
Kahapon, ang Pasig City ay mayroon ng 41 na bilang ng kaso ng COVID-19, pito na ang nasawi at nasa 154 na ang persons under investigation (PUIs) at 82 naman ang persons under monitoring (PUMs).
Nasa walo naman ang mga gumaling sa sakit na dulot ng COVID-19 sa Pasig City.