Pormal nang nilagdaan kahapon ang kasunduan ng Pasig Philippine National Police (PNP) at Metro Riders Club upang isulong ang crime free sa lungsod ng Pasig.
Ayon kay Police Colonel Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, layunin ng nasabing kasundan na magkaroon ng katuwang ang Pasig PNP sa pagbabantay sa lungsod laban sa kriminalidad.
Aniya, mainam ito dahil hindi lahat ng oras may mga pulis na nakabantay sa lahat ng lugar ng lungsod.
Sa tulong aniya ng mga rider, mas mapapadali ang pag-monitor at paghuli ng mga kriminal na patuloy na naghahasik ng krimen sa lungsod.
Ang nasabing inisyatibo ay isang adbokasiya ng Pasig PNP na may layuning crime free ang lahat ng lansangan sa lungsod ng Pasig.
Facebook Comments