PASIG RIVER FERRY | Bumabiyaheng ferry, dadagdagan

Manila, Philippines – Mula sa kasalukuyang 12, target ng pamahalaan na gawing 29 ang bilang ng mga bumabiyaheng ferry sa Pasig River pagdating ng 2022.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno – ito ay para mas maraming pasahero pa ang maerbisyuhan nito araw-araw.

Malaking tulong din aniya ito para maibsan ang traffic lalo na sa EDSA.


Ito rin kasi ang nakikita nilang pwedeng manatiling functional na transport system sakaling tumama ang “The Big One” o malakas na lindol sa Metro Manila.

Bukod sa pagdadagdag ng mga ferry boat, target din nilang magtayo ng mga bagong ferry station sa Rockwell Area, Ayala Circuit at isa pa sa Pasig City at Quinta Market sa Maynila.

Ngayong taon, inaasahang maitatayo at magagamit na ang mga bagong istasyon.

Facebook Comments