PasigPass QR codes, maaari nang gamitin sa Antipolo City simula ngayon

Masayang ibinalita ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga Pasigueño na simula ngayong araw ay maaari na ring gamitin ang PasigPass QR codes sa Antipolo City.

Ipinaalala rin ni Sotto na bukod dito ay tinatanggap na rin ang PasigPass QR codes sa Valenzuela City simula pa noong December 7, 2020.

Ito ay matapos na pumasok sa isang Interconnectivity Agreement sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at Antipolo City Mayor Andrea Ynares.


Nakapaloob sa kasunduan na kahit alin sa PasigPass, ValTrace, o Antipolo Bantay COVID-19 ay pwedeng magamit kung pupunta sa alinman sa tatlong siyudad.

Sa ilalim ng kasunduang ito, ay magiging seamless na din ang contact tracing sa Pasig, Valenzuela at Antipolo.

Facebook Comments