Pasimuno sa nangyaring boxing sa Brgy. 20, Parola Compound, Tondo, Maynila, naaresto na

Nadakip na ng mga otoridad ang pasimuno ng boxing sa Barangay 20 na nakilalang si Jayson Mercadal na isa ring boxing promoter.

Paliwanag ni Mercadal, natuwa siya sa mga batang nagboboksing kaya’t nilagyan niya ito ng premyo kung saan nakisawsaw ang ilan niyang mga kapitbahay.

Nabatid na nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga opsiyal ng Barangay 20 kaya’t nakilala nila si Mercadal.


Habang ang mga nagpasimuno sa pa-bingo sa naturang barangay ay inaalam na rin ng pulisya para papanagutin ang mga ito sa batas.

Sa ngayon, sinabi ni MPD Station 2 Chief Lieutenant Colonel Magno Gallora Jr. na nasa 80 na ang kanilang hinuli na mga pasaway na residente ng barangay 20 at mananatili sila sa Tondo Sports Complex hanggang mamayang alas-8:00 ng gabi matapos ang 24-hour total shutdown.

Facebook Comments