NBI, papasok na sa imbestigasyon sa viral video ni Mystica kung saan pinagmumura ang PRRD

Magpapalabas ng memorandum order si Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-uutos sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang viral video ni Ruby Villanueva o mas kilala bilang si Mystica.

Napanood kasi ng mga netizen sa viral video na pinagmumura ni Mystica si Pangulong Rodrigo Duterte at ina-akusahan na dahilan ng pagkagutom ng mga Pinoy sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Hinimok pa ni Mystica ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo na lumabas at buong pwersang labanan ang gobyerno.


Dapat din daw na i-home quarantine ang Pangulo at huwag bigyan ng pagkain at inumin ang Pangulo at hayaang maranasan ang pinagdadaanan ngayon ng mga ordinaryong tao

Sinabi ni Sec. Guevarra na pag-aaralan ng NBI kung maaari bang sampahan ng kasong Inciting to Sedition si Mystica dahil sa panghihikayat nito sa publiko na mag-alsa at labanan ang pamahalaan.

Facebook Comments