Pasisiglain ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Pangasinan tugon ng FPJ Panday Bayanihan partylist

Nakatuon ang FPJ Panday Bayanihan party-list sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa Pangasinan upang makamit at mapanatili ang food security ng bansa.

Ayon kay Brian Poe Llamanzares, kinikila ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang mahalagang papel ng sektor ng pangingisda kaya binisita niya ang mga lokal na mangingisda at inalam sa kanila ang kasalukuyang kalagayan na kinakaharap ng sektor.

Nabatid ni Poe, na salat sa bangka ang mga mangingisda kaya nanghihiram na lang sila ng bangka sa kapwa at pumapalaot sila ng halos dalawang kilometro layo upang makapanghuli ng isda.


Ang lalawigan ng Pangasinan ay napapalibutan ng 14 na coastal area na sumasaklaw aa bayan ng Bolinao, Anda, Bani, ABrian Poe Llamanzaresgno, Burgos, Dasol, Infanta, Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley, San Fabian, at ang mga lungsod ng Alaminos at Dagupan. Gayunpaman, maraming hamon ang kinakaharap ng sektor ng pangisdaanm

Sa pakikisalamuha ni Poe, natanto niya ang lumalalang pangamba ng maliliit na mangingisda sa epektong idinudulot ng malalaking commercial vessels.

Umuunti ang nahuhuling isda ng maliliit na mangingisda at walang sapat na kakayahan upang makipagsabayan sa malalaking sasakyang pangingisda, himutok ng isang fisherfolk.

Nagiging matindi ang kumpetisyon para sa lumiliit na yamang-dagat, na nagreresulta sa kapansin-pansing pagbaba ng kanilang huli. Pinalalala pa ito ng pagkasira ng mga coral reef sa Pangasinan, na nagsisilbing mahalagang tirahan ng mga isda.

Nalaman pa, ang pagkasira ng mga ekosistemang sanhi ng iba’t ibang salik tulad ng pagbabago ng klima, labis na pangingisda, mapanirang paraan ng pangingisda, polusyon, pag-unlad sa baybayin, at pagtaas ng temperatura ng karagatan na nagdudulot ng coral bleaching.

Bilang tugon sa nasaad na suliranin, patyuloy ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang mabawasan ang pinsala, kabilang ang paglalagay ng mga konkretong artificial reef sa karagatan.

Ang mga istrukturang ito ay nagsisilbing santuwaryo ng mga isda at nagbibigay rin ng proteksyon sa baybayin laban sa malalakas na alon.

Ipinabatid ni Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan, ang kahandaan ng partido na makopagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mailaan ang komprehensibong suporta sa sektor ng pangingisda.

Kalakip na suporta ang mga paglalaan ng programa sa pagsasanay upang mapabuti ang mga pamamaraan sa pangingisda, teknikal na tulong para sa mas episyenteng operasyon, at pinansyal na suporta upang matulungan silang mamuhunan sa mas sustenableng mga gawain.

Facebook Comments