𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗘𝗗 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔

Aarangkada na simula ngayong buwan ang selebrasyon ng isa sa pinakahihintay na kaganapan ng mga Dagupeños – ang Pasko ed Dagupan bilang selebrasyon sa nalalapit na Kapaskuhan maging pagsalubong sa Bagong Taon.
Alinsunod dito ang Draft Ordinance No. 0-851 kung saan nakasaad dito ang pansamantalang pagsasara ng Galvan at Zamora St. mula Nov. 15 hanggang sa January 30 sa susunod na taon upang bigyang daan ang itatayong mga bazaar at iba pa.
Tampok dito ang sikat na “Baratilyo” at “Food Strips” kung saan iba’t-ibang mga klase ng gamit o produkto at pagkain ang mabibili ng mga Dagupeños maging mga bisita at turista partikular sa bahagi ng Downtown Area ng lungsod.

Inaasahan din ng publiko ang kaabang-abang na pailaw sa Quintos Bridge maging ang Christmas themed design sa City Plaza.
Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon ay nakapagset up ang mga kalahok na mula sa mga 31 barangays sa Dagupan maging mga ahensya ng tinatawag na Paseo de Belen, o ang napiling style at disenyo mula sa mga recycled na gamit na naglalarawan ng kapanganakan ni Hesukristo sa sabsaban. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments