Pasko na May Temang Disney, Inilunsad sa SM Tuguegarao

27

Tuguegarao City, Cagayan – Inilunsad ng SM Tuguegarao ang pasko na may temang “We Love Disney” sa ginanap na seremonya na sinundan ng magarbong fireworks.

Kasali sa mga disney inspired na tema ay ang mga naglalakihang display ng Tsum Tsum, Mickey Mouse and Friends, Disney Princess, Frozen, Sofia at Cars na kapareho din sa 61 pang SM Supermalls sa buong bansa.

Pinakatampok sa mga display ay ang 13-foot na tire Christmas tree na hango sa Disney Movie na Cars 3.

Ang pagbubukas ng mga Disney inspired Christmas displays ay dinaluhan nina Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, Regional Operations Manager Ian Ezekiel Balao, Asst. Mall Manager Kristine Iris V. Ceballos at sina konsehal Grace Arago, Claire Callangan at Atty. Reymund Guzman.

Ang SM Downtown Tuguegarao ay siyang kauna unahang SM sa lalawigan ng Cagayan at pangalawa sa rehiyon dos.


Facebook Comments