Quezon City – Pinailawan na ang 100 foot na Christmas tree sa Araneta Center Cubao sa Quezon City, bilang palatandaan na opisyal nang nagsimula ang Christmas season.
Pinangunahan ng mga kapamilya stars ang Christmas tree lighting na kinabibilangan nina Pop Star Royalty Sarah Geronimo at Vice Ganda.
Base sa datos ng Quezon City Police District (QCPD), nasa 15,000 mga indibidwal ang nakibahagi sa countdown ng pagpapailaw ng higanteng Christmas tree.
Matatandaan na ang pagpapailaw sa Christmas tree sa Cubao ay naging tradisyon na, simula pa noong 1981.
Facebook Comments