PH VS JORDAN | Team Pilipinas, kumpleto sa tune up games

Present sa tune up games na isinagawa kahapon sa Meralco Gym, ang 20 pambato ng Pilipinas para sa inaabangang 5th Window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa November 30 at December 3.

Nakadalo sa ensayo sina San Miguel Beermen Jun Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Christian Stanhardinger, Arwin Santos at Marco Lassiter.

Kabilang rin sina Jason Castro, Gabe Norwood, Beau Belga, JP Erram, Matthew Wright, Ricci Rivero at Troy Rosario.


Habang nasa business trip si team Pilipinas coach Yeng Guiao, sina Deputy Caloy Garcia at Ryan Gregorio muna ang nangasiwa sa practice session.

Inaasahan na uuwi si coach Guiao sa Linggo, upang makasama ang Team Pilipinas, para sa tune up game kontra Jordan, na gaganapin sa Lunes.

Facebook Comments