Paslit, nagdala ng granada sa eskwelahan sa Sweden

Nagkagulo sa isang preschool sa Sweden matapos magdala ng granada sa klase ang isang estudyante para raw ipakita ito sa mga kaibigan niya.

Dumating ang wala pa sa pitong-taong gulang na bata sa eskwelahan sa Kristianstad nitong Martes, Setyembre 10 dala-dala ang granada.

Gabi na at nakauwi na ang mga bata nang madiskubre ng isang guro ang granada na agad ipinagbigay-alam sa awtoridad.


Kinumpirma ng pulisya na mapanganib ang granadang dinala ng bata kaya tumawag na rin sa national bomb squad.

Hinarangan ng bomb squad ang lugar at saka ini-neutralize ang pampasabog.

Ayon sa mga ulat, napulot ng bata ang granada sa isang military training field sa labas ng bayan.

We don’t know how bad the damages would have been” ani tagapagsalita ng pulisya sa Agence France-Presse.

Ilang linggo lamang ang nakararaan nang may isang estudyante naman ng elementarya ang nagdala rin ng granada sa eskwela na napag-alaman ng pulisya na inactive.

Facebook Comments