Paslit, patay nang buhusan ng tatay ng mainit na tubig para ‘palayasin ang demonyo’

6303
IG/eohucomm

Nasawi ang isang 6-anyos na bata sa Arizona matapos buhusan ng ama ng kumukulong tubig diretso sa lalamunan upang paalisin daw ang demonyo sa katawan nito.

Kinilala ang suspek na si Pablo Martinez na umaming nilunod sa mainit na tubig ang bata dahil nakitaan niya umano ito ng “kasamaan” habang pinapaliguan noong Huwebes, ayon sa mga ulat.


Ayon sa imbestigasyon, nakarinig ang tumatayong ina ng bata ng laguklok galing sa banyo at nang puntahan ay nakita niya ang kanyang asawa na hawak ang bata sa ilalim ng gripo sa bathtub.

Sinubukan niya umanong pigilan ang asawa pero sumagot ito na kailangan niya raw gawin ang “eksorsismo.”

Nang hindi na gumagalaw ang bata, tinangka pa ng suspek na muling buhayin ito sa pamamagitan ng CPR at pagbubuhos ng malamig na tubig.

Walang saplot at hindi na humihinga ang paslit nang makita ng pulisya sa kwarto nito.




Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklara ring wala nang buhay.

Iginiit ni Martinez sa mga imbestigador na may demonyo sa bata, dahilan para buhusan ng mainit na tubig sa loob ng 10 minuto.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa first-degree murder charge.

Nalapnos ang 15 porsyento ng katawan ng biktima mula sa ulo hanggang sa mga braso.

Facebook Comments