Paslit sinakal, pinagsasaksak ng screwdriver ng sariling ama

2061

Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 6-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng sariling ama gamit ang screwdriver, naiulat sa Cagayan noong Huwebes.

Ayon sa pulisya, natagpuan na lamang ng lola na duguan at nakahandusay sa sahig ang biktimang si Princess Lamusao sa kanilang bahay sa Brgy. Atulu, Iguig.


Kaagad na dinala sa Cagayan Valley Medical Center ang bata, ngunit idineklara ring patay sanhi ng tinamong sakal at mga saksak sa tiyan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Noel Lamusao, 45, na umamin sa pagpatay sa sariling anak.

Napag-alamang naiwan ang mag-ama sa bahay nang umalis ang ina ng bata upang mamili ng paninda.

Sinampahan ng kasong parricide ang suspek na inaalam pa kung nasa impluwensiya ng iligal na droga nang mangyari ang krimen.

Facebook Comments