Pasok ng mga estudyante mula kinder hanggang high school sa buong probinsya ng Batangas, suspendido pa rin

Sa kabila ng pagbababa ng alerto ng bulkang Taal, suspendido pa rin ang klase mula kindergarten hanggang high school sa buong probinsya ng Batangas.

 

Ginagamit pa rin kasi bilang evacuation centers ang mga eskwelahan.

 

Ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas, nasa 50,000 evacuees pa rin ang nananatili sa mga paaralan.


 

Habang ibabalik na ang pasok sa mga kolehiyo at unibersidad na nasa labas ng lockdown area. Gayundin ang TESDA at iba pang eskwelahan sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).

Facebook Comments