*Cauayan City, Isabela- *Apektado ngayon ang pag-aaral ng mga nasa elementarya matapos masunog at lamunin ng apoy ang kanilang tatlong gusali na paaralan sa Barangay Kakidduguen, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Sa ipinarating na ulat ni P/Maj. Jobs Videz, tagapgsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO pasado alas singko ng hapon kamakalawa nang masunog ang tatlong gusali ng Kakidduguen Elementary School sa Sitio Panuypoy ng nasabing bayan.
Pansamantala na wala munang pasok ang mga bata ngayon hanggang Miyerkules habang inihahanda nila ang mga pansamantalang silid aralan tulad ng gym at hall ng barangay.
Ang Barangay Kakidduguen ay dalawang oras ang layo sa town proper ng Kasibu kung saan mahirap ang transportasyon dahil sa malubak na daan at wala rin umanong signal para sa anumang communication devices kung kaya’t hindi agad nakapagresponde ang mga kinauukulan sa naturang lugar.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa kung ano ang sanhi at saan nagsimula ang sunog ng nasabing eskwelahan ng mababang paaralan.