Pasok sa ilang paaralan sa lumbangan, Nasugbu, pina-plano na kung papaano masisimulan

Pinag-aalan ng Department of Education (DepEd), nasugbu east sa batangas kung paano maipagpapatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.

Ayon kay Dr. Greg Meneses, district supervisor ng DepEd Nasugbu East, nasa sampung eskwelahan sa nasugbu ang ginawang evacuation center kung saan tatlo sa secondary school at pito sa elementary.

Sinabi ni dr. Meneses na pinag-aaralan nila ni barangay lumbangan Chairman Arnold Meneses kung papaano maisasabay ang pag-aaral ng mga bata habang nananatili ang mga bakwit.


Nabatid na ginawang evacuation centers ang mga eskwelahan sa nasugbu dahil ito ay nasa ligtas na lugar.

Ang ilang mga bakwit na nasa evacuation centers ay nagmula pa sa bayan ng Lemery, San Nicolas, Taal, Agoncillo, Laurel, Calaca at Talisay na lubhang naapektuhan ng pag-sabog ng Bulkang Taal.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga bakwit sa tulong na hatid ng dzxl 5558 radyo trabaho at rmn foundation katuwang ang P&A Foundation, STI Foundation, Roxas Holdings, CELLAIR TECHNOLOGY MANUFACTURING CORPORATION, MINAMOTO PACKAGING ENTERPRISES AT EXELPACK Corporation.

Facebook Comments