Pasok sa mga eskwelahan nga malapit sa Aklan Training Center kung saan na quarantine ang 11 Chinese national, sinuspende

Kalibo, Aklan — Sinuspende na ang klase sa mga eskwelahan na malapit sa Aklan Training Center sa Brgy. Old Buswang Kalibo kung saan naka quarantine ang labing isang Chinese national.
Base sa ipinalabas na Executive Order No. 004 ni Mayor Emerson Lachica na pansamantalang isuspende muna ang pasok sa mga paaralan ng Regional Science High School, Starglow, St. Gabriel College, Bakhao Sur at Old Buswang Elementary School.
Ito ay bunsod ng pagquarantine sa 11 Chinese national sa lugar na napaulat na nakasalamuha ng mga ito ang isang nagpositibo sa Ncov sa Hong Kong noong Enero 21, 2020.
Base sa isinagawang contact tracing nakapunta ang mga ito sa Boracay at kaagad na dinala sa nasabing lugar.
Inihayag naman ng Provincial Health Office na walang flu like symptoms ang mga ito ngunit mahigpit ang kanilang monitoring. Samantala, na discharge na rin ang tatlong Chinese national na naka admit sa Aklan Provincial Hospital dahil nag negatibo naman ang mga ito sa nasabing sakit.

Facebook Comments