Wanted na Magsasaka, Huli sa Angadanan, Isabela!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka na wanted sa kasong Homicide sa Brgy. San Marcelo, Angadanan, Isabela.

Pasado alas 10:00 kaninang umaga nang maaresto sa bisa ng warrant of arrest ang akusado na si Jeffrey Quilang, 33 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. San Marcelo, Angadanan, Isabela.

May inilaang piyansa ang korte na P120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments