Nag-abiso ang Korte Suprema na muling suspindido ang pasok ng mga empleyado sa mga korte sa Canlaon City, Negros Oriental.
Ito’y dahil sa muling pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon matapos ang pagputok nitong nakalipas na araw.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga may schedule na i-sumite na lamang sa e-mail address ng Canlaon Municipal Trial Court (MTC) ang mga pleading.
Sa kabila nito, mananatili ang skeletal works ng mga empleyado para magproseso ng mga piyansa ng akusado.
Matatandaan na sa abiso ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), muling naitala kahapon ang pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon.
Facebook Comments