Pasok sa mga Tanggapan at Paaralan sa Isabela, Suspendido dahil sa Bagyo!

*CAUAYAN CITY- *Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na suspendido ang klase ng mga mag-aaral bukas hanggang sa araw ng Biyernes.

Ito ang kinumpirma ni ginoong Romy Santos, ang media Consultant ng Pamahalang Panlalawigan ng Isabela na magsisimula ang suspension ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas ng hapon at suspendido na sa buong araw ng biyernes.

Habang ang mga empleyado naman sa mga pampubliko at pribadong tanggapan ay suspendido rin mula bukas ng hapon subalit dipende pa rin ito sa desisyon ng pamunuan ng mga nasa pribadong tanggapan at maghapon ring suspendido sa araw ng biyernes.


Base umano sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ay upang mapaghandaan rin ang pananalasa ng paparating na bagyong Ompong sa bansa.

Sa kasalukuyan ay wala pang naidedeklarang public Storm Cignal sa lalawigan ng Isabela batay sa pinakhuling pagtaya ng PAGASA-DOST Isabela.

Facebook Comments