Pasok sa mga tanggapan sa Caloocan LGU, suspendido dahil sa Bagyong Jolina

Sinuspinde na rin ni Mayor Oca Malapitan ang pasok sa mga tanggapan sa pamahalaang lokal ng Caloocan.

Alas-3:00 ng hapon kanina nang pauwiin ang lahat ng mga kawani, maliban sa mga tanggapang may kaugnayan sa serbisyong medikal, disaster preparedness, emergency response, at peace and order.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga kawani, dahil na rin sa masamang lagay ng panahon dulot ng Bagyong Jolina.


Una nang kinansela ng Caloocan LGU ang kanilang panghapon na schedule ng bakunahan.

Maglalabas sila ng anunsyo sa kanilang Facebook page, para sa re-scheduling ng mga hindi makakapunta sa kanilang second dose ngayong araw.

Facebook Comments