Passenger growth ng AirAsia PH, tumaas ng mahigit 500%

Nakapagtala ang AirAsia Philippines ng 553% na pagtaas ng kanilang passenger growth nitong Abril 2022 kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, na nagpapahiwatig ng kanilang pagbawi.

Tumaas din ng 306% passenger growth ng AirAsia Philippines noong Enero hanggang Abril ngayong 2022 kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Ang pagdagsa ng mga pasahero ay nagpakita ng mataas na mobility rate sa Pilipinas sa gitna ng panahon ng halalan.


Para kasi mahikayat ang mga botante na bumuto, inilunsad ng airline ang dalawang promo – ang Fly Home to Vote and Buy 1 Take 1 Para sa Pili-Pinas flight promos, na na-avail ng 91,997 na pasahero.

Malaki rin ang itinaas ng kumpiyansa sa paglalakbay matapos ang Omicron surge na naobserbahan sa forward booking rate ng AirAsia.

Noong Abril lamang, naabot ng airline ang 63% ng pre-pandemic figure nito para sa paglalakbay sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Para mapanatili ang momentum nito para sa mga susunod na quarter, itinaas ng AirAsia Philippines ang kanilang lingguhang flight para sa buwan ng Mayo sa 16%.

Facebook Comments