2-ANYOS NA BATANG BABAE, PATAY MATAPOS SIKMURAAN NG STEPFATHER NITO NAISTORBO SA PAGTULOG

16
Patay ang isang dalawang taong gulang na batang babae sa La Union matapos umanong sikmurahan at suntukin sa bahagi ng kanyang tagiliran at nadamay ang bahagi ng kanyang puso ng kanya lamang stepfather.
Nakilala ang bata sa pangalang “Missy” na mula Brgy. Boy-utan, Bauang, sa La Union habang ang stepfather nito ay nakilalang si Daniel Cortez.
Matapos ang insedente ay sumuko din ang suspek sa pulisya at inamin na sinuntok niya ng limang beses sa tiyan ang bata dahil nagising siya sa pag-iingay nito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bauang PNP na unang naireport sa kanilang himpilan na nahulog ang bata mula sa puno ng mangga na dinala sa ospital at ito ang dahilan ng kanyang pagkamatay ngunit hindi umano sila kumbinsido kaya idinaan ito sa autopsy maging sa post mortem examination at nakita na lasog ang kanyang tiyan, tagiliran na nadamay ang puso.
Hindi lamang ito umano ang unang beses na nasaktan ang bata dahil sa malalimang imbestigasyon, noon pa man ay sinasaktan na ito at hindi lamang nairereport dahil sa hindi ito sinusumbong ng ina ng bata.
Desidido naman ang tunay na ama ng bata at pamilya nito na ito ang kaso laban sa suspek.
Mababatid na nasa pangangalaga ng ina ang bata dahil sa hiwalay sila ng tunay na ama nito. | ifmnews
Facebook Comments