Passenger terminal building sa San Jose Airport sa Mindoro, pinasok ng tubig

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pinasok ng tubig ang passenger terminal building ng San Jose Airport sa Occidental Mindoro.

Nabatid na tumagas ang tubig sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Egay at pinasok ang passenger terminal building.

Nilinaw naman ng CAAP na walang malaking pinsala ng bagyo sa nasabing paliparan partikular sa mga pasilidad at equipment.


Ligtas din ang lahat ng empleyado ng airport.

Nananatili namang kanselado ang flights patungo ng San Jose at pabalik ng Maynila.

Facebook Comments