11AM Apat pang karagdagang vans ng passport on wheels, gagamitin para matugunan ang mga passport application ng publiko
Simula sa ika-18 ng Mayo, aarangkada na rin sa ibat- ibang lugar sa bansa ang apat pang karagdagang sasakyan ng passport on wheels ng Department of Foreign Affairs para maserbisyuhan ang mga aplikante ng passport.
Sa ginawang demonstrasyon sa punong tanggapan ng DFA sa pasay city, nabatid na bawat isang van ay nagtataglay ng limang (5) Data Capturing Machines na kayang magproseso ng 500 passport applications.
Sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano, dahil dito, umaabot na sa walo ang kabuuang bilang ng mga vans ng Passport on Wheels at makakadagdag pa ito ng aabot sa 4 na libong passport application.
Sa hunyo, plano na rin magdagdag ng 2 megavans na kayang magkarga ng marami pang Data Capturing Machines.
Matatandaan, January 15, 2018 unang inilunsad ang kauna-unahang passport on wheels at mula noon ay nakapagsilbi na sa 82 lungsod, bayan, mga tanggapan at organisasyon sa bansa.