PASSPORT ON WHEELS SA UNANG DISTRITO NG PANGASINAN, EXTENDED HANGGANG MARCH 19

Extended hanggang Huwebes, Marso 19, 2026 ang Passport on Wheels sa unang distrito ng Pangasinan upang mas marami pang residente ang mapagsilbihan.

Ayon sa mga tagapagpatupad ng programa, pinalawig ang operasyon nito dahil sa dami ng mga nais mag-avail ng serbisyo.

Isinasagawa ang Passport on Wheels sa Congressional District Office sa Barangay Magsaysay, Alaminos City.

Pinapayuhan naman ang mga nais mag-avail ng serbisyo na magtungo sa naturang tanggapan para sa pre-evaluation at encoding ng kanilang mga dokumento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments