Manila, Philippines – Magbubukas na tuwing Sabado ang Consular Office Affairs (OCA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana dahil sa dami ng gustong makapagpa-schedule para sa passport processing.
Simula sa February 10, 2018, bukas na ang DFA-OCA sa Aseana kada Sabado mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ang mga nais makapagproseso ng passport ay kailangan pa ring magpa-appointment via online kung saan walang walk-in applicants na ie-entertain at wala din bubuksang courtesy lane.
Hindi naman available kapag Sabado ang ibang serbisyo gaya ng authentication at consular records.
Ang nasabing non-passport services at courtesy lane facilities naman ay mananatiling bukas sa mga mall-based DFA regional at satellite offices kahit Sabado.