Sinuspindi muna ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-proseso ng pasaporte ngayong araw, March 17 sa buong Luzon.
Ito’y bilang pagsunod sa kautusan ng gobyerno na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Dahil dito, inabisuhan ng DFA ang publiko na tigil muna ang operasyon ng Office of Consular Affairs sa Parañaque City at mga Consular Offices sa buong Luzon.
Ang mga Passport applicants naman na may confirmed appointments ay maaaring ma-accomodate kapag bumalik na sa normal ang operasyon gayundin ang Authentication at Civil Registration Services.
Abangan o hintayin na lamang ang abiso ng DFA kung kailan muli babalik ang operasyon ng kanilang mga Consular Offices kung saan ang kanilang mga opisna sa Visayas at Mindanao ay magpapatuloy sa operasyon.
Pero, limitado lamang ang kanilang tauhan at kanilang uunahin ang mga inidibidwal na nangangailangan ng urgent consular needs tulad ng mga Overseas Filipino Workers kasama na ang medical emergencies.