13 COVID-19 Related Deaths, Naitala sa Lambak ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng labing tatlo (13) na COVID-19 mortality ang rehiyon dos sa loob lamang ng isang araw.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of April 21, 2021, umaabot na ngayon sa 472 ang bilang ng naitalang nasawi sa COVID-19 sa rehiyon matapos madagdagan ng labing tatlo.

Nakapagtala naman ang rehiyon ng 832 na panibagong positibong kaso at 939 na bagong gumaling.


Tumaas naman sa 5,706 ang aktibong kaso sa rehiyon habang nasa 21, 992 na ang kabuuang bilang ng gumaling.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 28,180 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 na naitala sa buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments