PASTIME | Bilang ng mga Pilipinong nag-o-online shopping, tumaas!

Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong ang nagsha-shopping online.

Base sa datos ng Visa, Inc., nitong 2017 ay pumalo na sa 92% ng mga Pilipino ang nag-o-online shopping mula sa dating 71%.

Nangunguna sa mga nangyayaring transaksyon online ay pagbabayad ng utility bills (59%), fashion (43%), travel (40%) at beauty products (36%).


Ayon kay Visa Country Manager for the Philippines and Guam Stuart Tomlinson, lumalabas sa kanilang pag-aaral na paboritong pastime ng mga Pinoy ang online shopping.

Lumabas din sa kanilang datos na 30% ng kanilang spending ay napupunta sa online purchases.

Dagdag pa rito, maraming Pilipino na rin ang gumagamit ng digital platforms sa pag-book ng ride (55%), pag-order ng pagkain (56%), at stream content (42%).

51% ng mga respondents ang nagsabing ang paggamit ng digital platforms ay nakaka-save ng oras.

Conveniece, comfort, at wide options ang nangungunang dahilan ng paggamit ng on-demand services.

Facebook Comments