Kabilang na sa wanted list ng US-Federal Bureau of Investigation (FBI) si Pastor Apollo Quiboloy at dalawang pang miyembro ng simbahan.
Ito ay matapos maglabas ang US-FBI ng “wanted” poster para kila Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan, at Helen Panilag.
Ayon sa FBI, nahaharap kasi sa kaso si Quiboloy dahil sa umano’y partisipasyon niya sa labor trafficking scheme kung saan dinala niya ang ilang miyembro ng simbahan sa US gamit umano ang mga pekeng visas.
Dagdag pa ng FBI, ang mga naturang babae na kaniyang kinukuha ay nagtatrabaho bilang “personal assistant” na pinipilit umanong makipagtalik sa kaniya.
Matatandaan noong Nobyembre, na-indict sa US si Quiboloy at iba pang church official kabilang na ang dalawang US-based church administrators sa umano’y pagpapatakbo ng sex-trafficking operation.
Inilabas ang warrant of arrest kay Quiboloy noong Nobyembre 10, 2021.