Janella Salvador, ayaw pa raw magpakasal sa kaniyang partner na si Markus Paterson?

Inamin ng aktres na si Janella Salvador na hindi pa siya ready na magpakasal sa kaniyang partner na si Markus Paterson.

Sa panayam ni Ogie Diaz na inilabas sa YouTube nitong Miyerkules, Pebrero 2, sinabi ni Janella na marami pa silang kailangan paghandaan ni Markus bago sila tuluyang mag-settle down.

Say pa ng aktres, kailangan muna nila na maging stable in terms of financially, emotionally at iba pa.


Ayon pa kay Janella, sa ngayon ay mas binibigyan at pinagtutuunan nila ng pansin ang pagpapalaki sa kanilang baby na si Jude.

Gayunpaman, nilinaw ni Janella na goal pa rin niya ang pagpapakasal para sa kanilang dalawa ni Markus.

Facebook Comments