Nasawi ang isang pastor mula Virginia dahil sa coronavirus isang linggo matapos nitong ipagmalaki na magpapatuloy ang kanyang simbahan sa kabila ng banta ng virus.
Noong Marso 22, sinabi ni Bishop Gerald Glenn sa kanyang kongregasyon sa Richmond’s New Deliverance Evangelistic Church na patutunayan niya umano kung ilan ang kasama niya sa naturang pagtitipon.
Aniya, “I firmly believe that God is larger than this dreaded virus. You can qoute me on that.”
Dalawang beses pa niya umano itong sinabi kasabay ng palakpakan ng nasa 10 taong dumalo sa pagtitipon sa naturang church service.
Saad niya, magaling na ang mga tao sa kanilang simbahan.
Kasunod nito ay inamin naman ng pastor na magiging kontrobersyal ito SA hindi pagsunod sa safety protocols dahil sa coronavirus pandemic.
Ngunit buo pa rin umano ang kanyang desisyon na pananatilihin niyang bukas ang kanyang simbahan at sinabing, “unless I’m jail or the hospital.”
Dagdag pa niya, “I am essential. I’m a preacher – I talk to God!”
Kaugnay nito, nito lamang Linggo nang ianunsyo ng kanyang simbahan ang malungkot na balita ukol sa pagpanaw ni Bishop Glenn isang linggo matapos magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa ulat, mayroon na ring sakit ang asawa nitong si Marcietia Glenn kaya patuloy umano ang panalangin ng mga miyembro ng kanilang simbahan.
Paalala naman ng kanyang anak sa lahat na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan.
“I just beg people to understand the severity and the seriousness of this, because people are saying it’s not just about us, it’s about everyone around us,” sabi niya.