Isang pastor mula sa South Africa ang nasawi matapos itong hindi kumain sa loob ng 30-araw para subukan umanong gayahin ang ginawa ni Hesu Kristo sa hindi pagkain sa loob ng 40-araw at 40 na gabi.
Ayon sa report, si Pstr. Alfred Ndlovu, 44-anyos ay umalis ng kanilang bahay upang gawin ang pag-aayuno na gaya rin ng ginawa ni Hesus.
Namatay ang nasabing pastor makalipas ang isang buwan kahit na wala umano itong rekord na may sakit.
Natagpuan ang katawan nito sa isang masukal na lugar na agad na ikinagulat ng mga kasamahan sa simbahan.
Samantala sinabi ng isang kaanak ng pastor kung gaano ito karelihiyosong tao at hindi nila inaasahan na sa ganitong paraan ito mamamatay.
Dagdag pa nito ay mayroong maganda at malusog na pangangatawan ang pastor at hindi makikita ang itsura sa edad nito.
Sa biblikal na aspeto, ang ‘fasting’ o pag-aayuno ay isang ‘spiritual discipline’ kung saan babawasan o hindi kakain ang isang Kristyano upang magkaroon ng oras sa debosyon at panalangin.
Ngunit ito ay mayroon lamang limitadong oras o araw at hindi pwedeng masobrahan dahil maaari itong ikamatay ng isang tao.