Pasya ng COMELEC na huwag palawigin ang voter registration, hindi na magbabago

Buo na ang pasya ng Commission on Elections o COMELEC na huwag palawigin ang deadline na September 30 para sa pagpaparehistro ng mga botante.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System, sinabi ni COMELEC Commissioner Marlo Casquejo na unanimous ang COMELEC en banc sa nabanggit na desisyon.

Paliwanag ni Casquejo, hindi na nila maiuurong ang deadline ng voter registration dahil maaapektuhan ang maraming paghahanda para sa 2022 eleksyon na isasagawa sa gitna ng pandemya.


Samantala, humirit naman ang COMELEC ng dagdag pondong P8 bilyong kung saan ang isang bilyong piso ay ipambibili ng 10,000 dagdag na vote counting machines.

Ayon kay Casquejo, ang P7-B naman ay para sa pagkuha ng dagdag na personnel na mangangasiwa sa dagdag na presinto at para na rin sa dagdag na honorarium ng election workers dahil tiyak na mai-extend ang oras ng botohan.

Facebook Comments