Ang lugar ng Baseco sa Port Area, Manila na magulo at maraming informal settlers ay nililinis at inaayos na ng Manila City Government para magkaroon ng pasyalan.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, itinatayo na ng Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW) ang Baseco Baywalk.
Masayang ibinalita ni Mayor Isko na naglalatag na ng buhangin at bricks ang buong pwersa ng DEPW bilang preparasyon sa inihahandang pasyalan para sa mga taga-Baseco.
Binigyang-diin ni Domagoso na ito ay bahagi ng layunin na mabigyan ng dignidad ang pamumuhay sa komunidad ng Baseco.
Facebook Comments