*Cauayan City, Isabela*- Pinawi ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center ang pangamba ng publiko sa kumakalat na impormasyon na may naitalang kaso ng CoronaVirus matapos isailalim sa obserbasyon ang isang Chinese National.
Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, walang katotohanan ang impormasyon na kumakalat sa probinsya ng Cagayan matapos na magnegatibo ang pasyente sa mga sintomas ng nakamamatay na sakit.
Kaugnay nito, makalipas ang 48 oras ng maisailalim ang nasbaing pasyente ay agad itong pinauwi dahil hindi naman umano nagtuloy sa malalang sitwasyon ang nasbaing pasyente.
Paliwanag pa ni Dr. Baggao, hindi agad na isasailalim ang isang tao sa ‘Person Under Investigation’ dahil kailangan munang obserbahan ang ilang sintomas ng pagkakaroon ng sakit na Ncov.
Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital ang mahigpit na pagbabantay ng kanilang hanay sa mga paliparan sa Cagayan upang masiguro ang hindi pagpasok ng NCov.