Pasyente na Itinuturing na PUI ng nCoV, Nasa Mabuti nang Kalagayan!

Cauayan City, Isabela- Nasa maayos nang kalagayan ang isang Pinay OFW na itinuring na ‘person under investigation’ (PUI) kaugnay sa sakit na novel Coronavirus sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ito ang kinumpirma ni Dr. Glenn Baggao, director ng CVMC sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Sinabi nito na wala ng ubo, sipon at lagnat ang 29 anyos na OFW na mula sa Hongkong at dumating sa Pilipinas noong Enero 24, 2020.


Kaugnay nito, nananatili pa rin na naka-quarantine at isolate ang nasabing OFW habang hinihintay ang labtest nito mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Samantala, inamin naman ni Dr. Baggao na mayroon din isang pasyente ang CVMC na itinuturing na ‘Patient Under Monitoring’ o PUM matapos na makitaan ng ilang sintomas ng nCoV ngunit kanyang nilinaw na walang dapat ikabahala ang publiko dahil mahigpit nila itong binabantayan at naka isolate na rin sa nasabing ospital.

Facebook Comments