Agad na ipinagbigay-alam ng isang lalaki sa awtoridad ang nakitang iligal na droga mula sa isang pasyente sa ospital sa La Union.
Ayon dito, habang nagsasagawa ito ng rounds sa pasyente upang tignan ang bandage ng injury sa hita, nahulog ang isang plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu.
Nakuha mula sa pagmamay-ari ng suspek ang 0.5 grams of suspected Shabu na nagkakahalaga ng PhP3,400.00, at isang plastic straw tube and aluminum foil.
Naka-admit pa sa ospital ang 23 anyos na lalaking suspek at isasailalim sa drug test at maaaring humarap sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






