Planong pag-aralan ng Department of Justice (DOJ) na baguhin ang mga patakaran hinggil sa pagpapa-deport ng mga dayuhan.
Nabatid na naniniwala si Justice Secretary Crispin Remulla na hindi na ito praktikal at napapanahon na upang repasuhin ang deportation rules at baguhin ang ilan sa mga proseso ng deportasyon.
Ang pahayag ni Remulla ay bunsod ng kaso ng apat na puganteng Hapon na nais ipa-deport ng Japan para kaharapin ang mga kaso ng pagnanakaw sa nasabing bansa.
Subalit nasa deportation rule ng Pilipinas na hindi maipapa-deport ang isang dayuhan kung may nakabinbin itong kaso sa korte sa Pilipinas.
Kumbinsido naman si Remulla na inaabuso ng ilang abogado ang naturang rule at gumagawa ng imbentong kaso upang hindi mai-deport ang dayuhan.
Facebook Comments