Patakaran sa pangangampanya, muling ipinaalala ng Comelec

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga ipinatutupad nitong alintuntunin kasabay ng pagsisimula ng local campaign period.

Ayon kay Comelec Commission Atty. George Garcia, anumang campaign materials na nakapaskil sa mga pampublikong lugar ay kanilang babaklasin kahit walang notice.

Nakiusap din ang commissioner sa mga kandidato at kanilang supporters na sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.


Bawal din ang selfie, paghalik, beso-beso, pakikipagkamay at pagpasok sa bahay ng mga botante bilang pag-iingat sa posibleng hawaan ng COVID-19.

Bukod sa pamimigay ng pera, maituturing ding vote buying ang pag-sponsor sa mga pa-raffle, contest, liga, programa ng mga barangay, pa-meryenda o pagpapainom.

Samantala, umaasa si Garcia na bago ang eleksyon ay maibaba na ang bansa sa Alert Level 0 kung saan posibleng ibalik sa dating bilang na 10 katao ang papayagang sabay-sabay na makapasok at makaboto sa kada presinto.

Facebook Comments